ALAMIN: Halaga ng dagdag-presyo sa petrolyo sa darating na linggo

FILE

Bad news sa mga motorista.

Nakaamba ang isang big-time oil price hike sa petrolyo sa darating na linggo dahil sa pagtaas ng presyo ng langis sa world market.

Bukod pa ito sa ipatutupad na ikalawang bugso ng excise tax ng mga gasolinahang ubos na ang 2018 stocks ng langis.

Ayon sa oil industry sources, aabot sa P2.20 hanggang P2.30 kada litro ang madaragdag sa presyo ng diesel.

Madaragdagan naman ng P1.40 hanggang P1.50 kada litro ang presyo ng gasolina.

Habang ang kerosene o gaas, tataas ng P1.80 hanggang P1.90 bawat litro.

Samantala, posibleng ipatupad na rin ng mas maraming gasolinahan ang ikalawang bugso ng excise tax sa petrolyo sa ilalim ng TRAIN law.

May dagdag na P2.24 sa kada litro ang diesel at gasolina habang P1.12 sa kada litro ng gaas.

Ito na ang ikalawang sunod na linggong taas-presyo sa petrolyo.

Read more...