Sa kanyang tweets nitong Sabado, iginiit ng kalihim na ang problema sa pagkawala ng data ay nagsimula sa administrasyon ni dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Lumala pa anya ito sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Sinabi ni Locsin na kanyang pananagutin ang mga dilawan na pumasok sa naturang passport deal.
Aminado si Locsin na banta sa national security ang nangyaring data breach.
Gayunman anya, mananatili siyang mahinahon dahil hindi naman anya nangyari ang naturang isyu sa ilalim ng kanyang pamumuno.