Malacañang, itinangging nag-isnaban sina Pres. Aquino at Xi Jinping

 

Lyn Rillon/Inquirer

Hindi nag-isnaban sina Pangulong Benigno Aquino III at Chinese President Xi Jinping.

Ayon sa Malacañang, bilang patunay, nakuhanan ng video na nag-uusap ang dalawang lider ng dalawang minuto bago nagsimula ang APEC Business Advisory Council o ABAC dialogue.

Sa welcome ceremony para sa ABAC plenary, malugod na kinilala ni Pangulong Aquino si President Xi.

Nabatid na pinasalamatan din ni Pangulo si Xi sa pagpunta nito sa Manila at pagdalo sa APEC summit bago sinenyasan na samahan ang iba pang dumadalong APEC economy leaders.

Malamig kasi ang inaasahang pagtatagpo ng dalawa sa harap ng agawan ng Pilipinas at China sa mga pinagtatalunang teritoryo sa west phil sea.

Read more...