Birth Certificate, requirement na sa passport renewal

Inoobliga na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagsumite ng birth certificate sa renewal ng pasaporte.

Ang hakbang ay matapos na ibunyag ng DFA na nawala ng dating contractor ang data ng mga passport holders.

Ayon kay DFA Secretary Teddy Boy Locsin, isang national issue ang mga pasaporte at hindi pwedeng nasa pag-iingat ng private entity kundi sa gobyerno lamang.

Ang tweet ni Locsin ay reaksyon sa tweet ni DFA Assistant Secretary Elmer Cato na nagpayo sa mga magre-renew ng pasaporte na dalhin ang birth certificate dahil kailangang i-capture at malagay ang dokumento sa database dahil wala ng kopya ang ahensya ng dokumentong unang isinumite noong mag-apply ng passport.

Dahil dito ay nagreklamo ang isang oversear Filipino worker na hindi siya naka-renew ng passport dahil wala siyang naisumiteng birth certificate.

Tiniyak naman ni Locsin na nagkakaroon na ang DFA ng “rebuilding” ng mga files kasunod ng ginawa ng terminated na contractor.

Read more...