Napabilang sa ‘100 list of Women of 2015’ ng British media outlet na BBC ang Pilipinang domestic worker na sumisikat na ngayon bilang isang street photographer na si Xyza Cruz Bacani.
Ang 28-anyos na household service worker sa Hong Kong ay unang sumikat nang mailathala ang kanyang mga larawan sa mga sikat na international news sites at publikasyon tulad ng CNN at New York Times.
Kalimitan sa mga larawang kinukunan ay black and white na sumasalamin sa pamumuhay ng mga ordinaryong tao sa Hong Kong.
Sa kanyang Facebook post, nagpahayag ng katuwaan at at pasasalamat si Bacani sa pagkilalang tinanggap.
Nagpasalamat din ito sa kanyang magulang at sa BBC.
Nagsimulang magtrabaho bilang domestic worker si Bacani na tubong Nueva Vizcaya sa Hong Kong noong ito’y 19 anyos pa lamang.
Ang BBC Women of 2015 ay listahan ng mga kababaihan na naging inspirasyon sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Pinipili ang mga mapapabilang sa listahan mula sa iba’t-ibang sektor o propesyon.