11.6M pamilyang Filipino sinabing sila ay mahirap ayon sa SWS

Tinatayang nasa 11.6 milyon o 50 percent ng mga pamilyang Filipino ang itinuturing ang kanilang sarili bilang ‘mahirap’ batay sa resulta ng fourth quarter survey ng Social Weather Stations (SWS).

Mas mababa ang naturang bilang ng dalawang puntos mula sa 52 percent o 12.2 milyon noong September 2018.

Isinagawa ang survey noong December 16 hanggang 19 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,440 adults sa buong bansa.

Noong March 2018 naitala ang 42 percent self-rated poverty, 48 percent noong June at 52 percent noong September.

Dahil dito, ang self-rated poverty rate sa buong 2018 ay 48 percent o mas mataas ng dalawang puntos sa average na 46 percent noong 2017, at mataas din ng apat na puntos sa record-low average na 44 percent noong 2016.

Lumalabas naman sa Self-Rated Poverty Threshold (SRPT) na kailangan ng mga pamilya kada buwan ng P10,000 para hindi ikonsidera ang kanilang mga sarili bilang mahirap.

Samantala, bumaba naman sa 34 percent o 7.9 milyong pamilyang Filipino ang nagsabing food-poor sila o salat sa pagkain kumpara sa 36 percent o 8.5 milyon noong September 2018.

Read more...