19 election hotpots masusing binabantayan ng PNP

Masinsinang binabantayan ng Philippine National Police (PNP) ang 19 na lungsod at munisipalidad na ikinokonsiderang election hotspots.

Ito ay bilang bahagi ng paghahanda sa pagsisimula ng election period bukas, January 13.

Ang election hotpots ay ang mga lugar na nagkaroon ng insidente ng karahasan na may kinalaman sa pulitika.

Sinabi ni PNP deputy spokesperson Supt. Kim Molitas na katuwang nila ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ginagawang validation tungkol sa mga election hotpots.

Anya, kapag bumababa ang mga insidente ng karahasan sa isang lugar ay tinatanggal ito sa listahan o hindi kaya ay inililipat sa ibang kategorya.

Karamihan sa election hotspots ngayon ay nasa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ang Daraga, Albay naman ay inirekomenda na ilagay sa kontrol ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa pagkakapatay kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe.

Noong 2016, 48 katao ang nasawi sa kasagsagan ng election period habang 50 ang sugatan na karamihan ay taga-suporta ng mga kandidato.

Tiniyak ni Comelec spokesperson James Jimenez na handa ang PNP na tugunan ang kanilang pangangailangan sa tao at kagamitan para sa ikapapayapa ng 2019 elections. /

Read more...