Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) may nakitang extendable batons sa check-in luggage ng hindi pinangalanang estudyante.
Ito ay ikinukunsidera umanong dangerous weapon sa Hong Kong.
Ayon kay Consul General Antonio Morales, ikinulong ang nasabing estudyante sa Hong Kong noong Jan. 8.
At ngayong araw, Jan. 11 ay pinayagan na rin itong makaalis matapos tulungan ng konsulada ng Pilipinas.
Kasabay nito pinaalalahanan ng DFA ang mga Pinoy na bibiyahe sa Hong Kong na huwag magdadala ng mga bawal na gamit.
Ang mga personal defense weapons gaya ng stun guns, pepper spray, tear gas, extendable batons, flick knives, at knuckedusters ay bawak sa Hong Kong.