Orange warning level nakataas pa rin sa ilang lalawigan sa Mindanao

Nakataas pa rin ang orange warning level sa ilang lalawigan sa Mindanao.

Ito ay dahil sa nararanasang malakas at tuluy-tuloy na buhos ng ulan bunsod ng buntot ng Low Pressure Area.

Sa rainfall advisory na inilabas ng PAGASA, alas 7:00 ng gabi, nakataas ang orange warning level sa:

• Davao Oriental (Baganga, Caraga, Manay, Tarragona)
• Compostela Valley
• Davao del Norte (Kapalong, San Isidro, Asuncion, New Corella)

Ayon sa PAGASA nagbabadya na ang pagbaha sa mga mababang lugar sa nasabing mga lalawigan.

Posible ring makaranas ng landslide sa mga bulubunduking lugar.

Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa Misamis Oriental, Bukidnon, Agusan del Sur.

Read more...