Pinuno ng Japan Olympic Committee kinasuhan sa France dahil sa korapsyon

Japan Olympic Committee Tsunekazu Takeda | REUTERS PHOTO

Sinampahan ng kaso sa Paris, France ang pinuno ng Olympic Committe ng Japan dahil sa pagkakasangkot sa korapsyon kaugnay sa aghirang sa Tokyo bilang host ng 2020 Olympics.

Batay sa kaso, nagbayad umano ang 71 anyos na si Tsunekazu Takeda ng $3.1 million para igawad sa Tokyo ang hosting ng Olympics.

Sa naging proseso ng pagpili para sa lugar na pagdarausan ng Olympics 2020, tinalo ng Tokyo ang Madrid at Istanbul.

Taong 2016 nang simulan ang imbestigasyon sa insidente kung saan lumitaw na hindi sa dalawa ang naging proseso ng pagbabayad ng suhol.

Lumitaw sa imbestigasyon na ginawa ang pagbabayad sa Singapore-based Black Tidings ang kumpanya na kunektado kay Papa Massa Diack.

Si Diack ay anak ni Lamine Diack na dating pinuno ng International Association of Athletics Federations (IAAF).

Ang nakababatang Diack din ay marketing adviser ng IAAF.

Read more...