Taiwan nagbigay $200,000 na donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong Usman

Photo: Taipei Economic and Cultural Office

Nagbigay ng US$200,000 ang pamahalaan ng Taiwan para sa mga nasalanta ng bagyong Usman sa Pilipinas.

Isinagawa ang donation ceremony sa Taipei Economic and Cultural Office (TECO).

Iniabot ni Ambassador Michael Peiyung Hsu, ang kinatawan ng TECO sa Pilipinas ang tseke kay Vice Chairman Gilberto Lauengco ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).

Nagpahatid din ng pakikiramay si Hsu sa pamilya ng mga nabiktima ng bagyong Usman.

Ayon kay Hsu, handa ang Taiwan na maglaan ng tulong sa mga biktima upang sila ay makaahon at makabalik sa normal na pamumuhay matapos masalanta ng bagyo.

Nagpasalamat naman si Lauengco sa gobyerno ng Taiwan.

Read more...