Matapos ang naging resulta ng trading sa nakalipas na mga araw mas lalo pang lumaki ang estimated na oil price hike na ipatutupad sa Martes.
Ayon sa kumpanyang Jetti Petroleum, nasa pagitan ng P2.00 kada litro hanggang P2.05 kada litro ang madaragdag sa diesel.
P1.25 naman hanggang P1.30 kada litro ang madaragdag sa presyo ng gasolina.
Ang nasabing dagdag-presyo ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo sa world market.
Bukod pa rito ang ikalawang bahagi ng excise tax na inuumpisahan na ring ipatupad ng ilang kumpanya ng langis.
READ NEXT
PNP dapat magpaliwanag sa pagkuha ng profile ng mga gurong kasapi ng ACT ayon sa National Privacy Commission
MOST READ
LATEST STORIES