PNP dapat magpaliwanag sa pagkuha ng profile ng mga gurong kasapi ng ACT ayon sa National Privacy Commission

Photo from ACT

Hihingan ng paliwanag ng National Privacy Commission (NPC) ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa ginawang profiling sa mga guro na miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).

Ayon kay Privacy Commissioner Raymund Liboro, dapat ipaliwanag ng PNP Data Protection Unit ang napaulat na nangangalap ito ng impormasyon ng mga guro na kasapi ng ACT.

Sinabi ni Liboro na ang pagkulekta at pagproseso ng personal data ng mga law enforcement agency ay mayroon din namang limitasyon.

Dagdag pa ni Liboro ang pagkulekta ng impormasyon ay dapat ginagawa ng may kaakibat na pagrespeto sa karapatang pantao at sa Konstitusyon.

Magugunitang nag-leak ang utos ng ilang unit ng PNP kung saan kinukuha nito ang impormasyon ng mga gurong kasapi ng ACT.

Read more...