Itinanggi ng Department of Health (DOH) ang mga kumakalat na balita na may outbreak ng pneumonia sa bansa.
Ayon kay Health Usec. Erik Domingo maraming tinatamaan ngayon ng trangkaso.
Kapag ganitong panahon aniya ay common ang trangkaso pero hindi naman nakapagtatala ng mataas ng kaso ng pneumonia.
Kasabay nito pinayuhan ni Domingo ang publiko hinggil sa proper hygiene lalo na ang mga may trangkaso.
Sinabi ng DOH na mabuting agad ding magpatingin lalo na kung nilalagnat para maagapan.
MOST READ
LATEST STORIES