Tinanggal ng Facebook ang 220 pages at 73 accounts gayundin ang 29 Instagram accounts dahil sa mga paglabag sa kanilang polisiya.
Sinabihan ng Facebook ang gobyerno ng Pilipinas ukol sa hakbang nito dahil ang 1 sa tinanggal na mga pages ay pag-aari ng isang media enterprise at pina-follow ng 43 million accounts, karamihan sa mga ito ay Filipino community.
Ang tinanggal ng FB ay ang Twinmark Media Enterprises, isang digital marketing company at ang lahat ng subsidiaries nito.
Ayon kay Nathaniel Gleicher, head ng Facebook Cybersecutiry Policy, ilang beses na nilalabag ng Twinmark Media ang polisiya nila sa ukol sa spam at pagmanipula ng impormasyon sa pamamagitan ng paggamit ng pekeng accounts at pagbebenta ng administration access sa Facebook pages para lumaki ang kanilang kita.
Sinabihan na anya ang gobyerno ng Pilipinas pero hindi nila inirekomenda kung ano ang dapat na maging aksyon laban sa kumpanya dahil naka-focus sila sa pagtanggal ng lumalabag sa kanilang alituntunin.
Ilan sa mga popular na pages ng Twinmark ang “Filipino Channel Online,” “Gorgeous Me,” “Unhappy,” “Text Message” at “TNP Media.”
Isang halimbawa ng paglabag ng Twinmark ang pagbabago ng pangalan ng FB pages matapos makakuha ng maraming followers.