Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr., ang imbitasyon ay ginawa ng House Committee on Rules na kanyang pinamumunuan.
Ang mga Diokno anya at mga may-ari ng Aremar ay pinadadalo bilang resource persons sa hearing sa Martes January 15.
Nagpadala tin ang komite ng mga subpoena sa mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Anti-Money Laundering Council (AMLC), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department of Budget and Management (DBM).
Imbitado rin anya ang mga indibidwal na nagsisilbing liaison officer ng C.T. Leoncio Construction na nakakakuha ng mga kontrata sa gobyerno.
Ayon kay Andaya, umaasa sila ng kooperasyon at buong testimonya ng mga inimbitahan sa pagdinig.
Inaasahan ng komite na magbibigay ang mga inimbitahan ng ebidensya na magbibigay linaw sa alegasyon ng umano’y maanomalyang paggamit ng pondo ng DBM at umano’y kwestyunableng alokasyon sa DPWH na ayon kay Andaya ay natuklasan niya sa nakalipas na hearing.