Ayon kay Budget Sec. Benjamin Diokno, kukuha ng independent firm ang Governance Commission for GOCCs para mapag-aralan ang kasalukuyang wage structure ng mga government worker.
Ikukumpara ang salary structure sa kanilang counterpart sa private sector.
Ang magiging resulta ng pag-aaral ay gagamitin ng DBM para makabuo ng panibagong salary hike schedule para sa mga manggagawa ng gobyerno na target maipatupad sa 2020.
Sinabi ni Diokno na mayroon nang pondong nakalaan para sa pagsasagawa ng pag-aaral.
Bago matapos ang Hunyo ngayong taon, matatapos ang pag-aaral kaya sa 3rd quarter ng taong 2019 ay inaasahang mailalabas na ng DBM ang panukala para sa panibagong dagdag-sahod.