Ikaapat at huling bahagi ng dagdag-sahod ng mga manggagawa sa gobyerno, ibibigay na sa Pebrero – DBM

Sa Pebrero na ibibigay ang ikaapat at huling bahagi ng salary increase ng mga empleyado sa gobyerno.

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Sec. Benjamin Diokno, nangako naman ang Kongreso na magiging top priority nila ang budget sa pagbabalik ng sesyon sa susunod na linggo.

Ibig sabihin, malalagdaan na ang General Appropriations Act sa unang linggo ng Pebrero.

Magugunitang dapat epektibo na ang huling bahagi ng dagdag sahod ng mga manggagawa sa gobyerno ngayong pagpasok ng 2019.

Pero dahil nabinbin ang pag-apruba ng Kamara sa pambansang pondo, hindi rin ito agad na naibigay.

Read more...