Sa abiso ng PAGASA, alas 1:00 ng hapon, itinaas ang orange warning level sumusunod na lalawigan:
• Bukidnon
• Agusan del Norte
• Agusan del Sur
• Surigao del Sur (Cagwait, Marihatag, San Agustin, Lianga, Barobo, Tagbina, Hinatuan, Bislig, Lingig)
• Davao Oriental
• Compostela Valley
• Davao del Norte
Yellow warning naman ang nakataas sa sumusunod na lugar:
• Davao City
• Surigao del Sur (Tandag, San Miguel, Tago, Bayabas)
• North Cotabato (Arakan, Antipas)
Ang nasabing mmga lugar ay ilang oras nang inuulan kaya nagbabala ang PAGASA ng posibilidad ng pagkakaroon ng flashflood at landslides.
Samantala, ang iba pang lugar sa Mindanao ay nakararanas naman ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan.
Kabilang dito ang mga sumusunod na lugar:
• Misamis Oriental
• Camiguin
• Lanao del Norte (IliganCity, Kapatagan, Lala, Sultan Naga Dimaporo)
• Lanao del Sur
• Misamis Occidental (Don Victoriano Chiongbian, Sinacaban, Tudela, Clarin, Ozamis City, Tangub City, Bonifacio)
• Surigao del Norte
• Davao del Sur (Digos, Santa Cruz)
• Davao Occidental (Malita
• South Cotabato (Tampakan, Tupi, Polomolok, Banga)
Ang nararanasang pag-ulan sa nasabing mga lugar ay maaring tumagal ng dalawa hanggang tatlong oras pa.
Pinayuhan ang mga residente na mag-antabay sa susunod pang mga abiso ng PAGASA.