Ibinaba na ng Phivolcs ang alert level na umiiral sa Mt. Kanlaon sa Negros Island.
Base sa inilabas na bulletin ng Phivolcs, mula sa alert level 2 na ang ibig sabihin ay moderate level of unrest, ibinaba na sa alert level 1 o low level of unrest ang status ng bulkan.
Sinabi ng Phivolcs na nakapagtala sila ng patuloy na pagbaba sa aktibidad ng Mt. Kanlaon.
Sa kabila nito, patuloy ang babala ng Phivolcs sa publiko at pinapayuhan pa rin na huwag pumasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone ng bulkan.
MOST READ
LATEST STORIES