Babaeng college student nagpakamatay sa loob ng tinitirahang unit sa Makati City

Police banner

Isang 17 anyos na babaeng college student ang natagpuang walang buhay sa loob ng tinitirahan nitong unit sa Brgy. Pio Del Pilar, Makati City.

Ayon sa Makati City police, bago madiskubre, nag-alala ang tyahin ng babae dahil hindi ito sumasagot sa kaniyang tawag.

Nang buksan niya ang tinutuluyang aunit, nakita niya ang dalaga na nakabigti sa window grill ng bahay gamit ang lubid.

Sinabi ni Sr. Insp. Gerard Vilar ng SOCO, may mga nakitang sulat sa diary ng estudyante mula Jan. 1 hanggang 9 kung saan nagpahayag ito ng kagustuhang magpakamatay.

Read more...