Huling namataan ang LPA sa 1,295 kilometers East ng Davao City, Davao Del Sur.
Ayon kay PAGASA weather speacialist Loriedin Dela Cruz, maliit naman ang tsansa na magiging bagyo ang nasabing LPA sa susunod na 24 na oras.
Gayunman, apektado na ng buntot ng LPA ang CARAGA Region, ilang bahagi ng Davao Region at ang malaking bahagi ng Northern Mindanao.
Sa susunod na mga oras maaapektuhan na rin ng trough ng LPA ang Eastern Visayas at Central Visayas.
Ang nasabing mga lugar ay maaring makaranas ng kalat-kalat na mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan.
Samantala, ang buong Luzon naman at ang iba pang bahagi ng Visayas ay apektado pa rin ng Amihan.