Nakatakdang bumisita sa bansa ang presidente ng Sri Lanka na si President Maithripala Sisirena mula January 15 hanggang 19.
Batay sa advisory ng Department of Foreign Affairs, bahagi ng state visit ang bilateral meeting kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon pa sa kagawaran, nakatakdang pag-usapan ng dalawang lider ang pulitika, ekonomiya at kultura.
Bibisitahin ng Sri Lankan leader ang Asian Development Bank at International Rice Research Institute (IIRI) sa Los Baños, Laguna.
Ito umano ang kauna-unahang pagbisita ng isang Sri Lankan president sa Pilipinas sa ilalim ng 1978 Constitution ng bansa.
MOST READ
LATEST STORIES