Pangulong Duterte namahagi ng housing units sa mga sugatang sundalo at pulis

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng nasa 100 housing units sa mga sugatang sundalo at pulis sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Bawat isang beneficiary ay nakatanggap ng dalawang units ng bahay na may laking 24-square meter.

Ang programang ito ay nasa ilalim ng Comprehensive Social Benefits Program.

Kabuuang 1,778 na bahay ang ipamamahagi sa mga sugatang sundalo, pulisya at informal settlers sa Metro Manila.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Duterte ang mga sundalo at pulis sa kanilang kabayanihan at sakripisyo para sa bansa.

Inutusan ng presidente ang National Housing Authority (NHA) na babaan ang buwanang hulog para sa mga benepisyaryo mula sa P1,250 tungong P225.

Read more...