Accredited establishments sa Boracay umabot na sa 305

Inanunsyo ng Department of Tourism na umabot na sa 305 ang accredited establishments sa Boracay Island.

Ito ay matapos ang tatlong buwang muling pagbubukas ng isla na sumailalim sa anim na buwang rehabilitasyon.

Mayroon nang 10,515 na kwartong available para i-book ng mga nagnanais pumunta sa sikat na tourist destination.

Nauna nang nagpaalala ang DOT sa mga turista na sa mga accredited hotels at resorts lamang magcheck-in dahil ang mga ito lamang ang nakitang sumusunod sa environmental laws na itinakda ng gobyerno.

Read more...