Sa kwento ng komedyante sa It’s Showtime, sinabi umano ng partido na sure-win siya sakaling kumandidato.
Nagbiro si Vice Ganda na kakandidato lamang siya sa pagkapresidente ng bansa.
Gayunman, kapag siya anya ay nanalo sa pagkapangulo, ibig-sabihin lamang nito ay hindi nag-iisip ang mga botante sa Pilipinas.
‘Pag nanalo ako, isa lang ibig sabihin nu’n, sira-ulo talaga kayong lahat! Wala talagang kakwenta-kwenta ang mga bumoboto sa Pilipinas. Pag nanalo pa naman ako talaga,” ani Vice.
Isa man sa pinakaimpluwensyal na artista sa kasalukuyan, sinabi ni Vice na hindi lahat ng mananalo ay dapat tumatakbo.
“May kumuha sa aking partido sa senador. Sira-ulo ba kayo? Sabi, Mananalo ka. O, ngayon, kapag mananalo, tatakbo?,’” dagdag nito.
Sa huli, idinaan na lamang muli ng komedyante sa biro ang kwento at sinabing buong buhay na siyang tumatakbo na tila pasaring sa kanyang paghahalintulad sa sarili sa isang kabayo.