15 kilo ng gamot na walang FDA permit nakumpiska sa isang pasahero sa NAIA

Nasabat ng Bureau of Customs – NAIA ang 15 kilo ng gamot na walang FDA permit mula sa isang pasaherong Amerikano sa Terminal 3 ng paliparan.

Ayon sa customs, mula sa Vietnam ang pasahero.

nang sumailalim sa Xray ang bagahe nito ay tumambad ang kilo-kilong gamot na walang health clearance.

Ipinagbabawal ang pag-angkat ng pharmaceutical products na walang FDA Clearance sa ilalim ng FDA Act of 2009.

Ang mga gamot na walang permit ng FDA ay posibleng mapanganib sa kalusugan ng consumers.

Read more...