M3.1 na lindol, naitala sa Davao Oriental

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bahagi ng Davao Oriental alas-11:49 Huwebes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 120 kilometro Timog Silangan ng Governor Generoso.

May lalim ang pagyanig na 24 na kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman inaasahan ang aftershocks at pinsala sa mga ari-arian.

Read more...