Bigtime oil price hike nagbabadya sa susunod na linggo

Nakaambang tumaas pa ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo dahil sa pagtaas ng presyo ng langis sa world market.

Batay sa monitoring ng oil industry, mula Lunes hanggang Miyerkules sa linggong ito ay tumaas ng P1.80 ang kada litro ng imported na diesel at P1.20 ang iminahal ng imported na gasolina habang may dagdag na P1.50 naman sa kada litro ng kerosene.

Pero ang price adjustment ay depende pa sa takbo ng kalalan hanggang Biyernes.

Bukod sa nagbabadyang dagdag presyo ay posible rin ang price adjustment ng ilang gasolinahan dahil sa mas mataas na excise tax.

Dahil dito, mayroon ng dagdag buwis na mahigit P2, magkakaroon pa ng taas presyo dahil sa paggalaw ng presyo ng imported na petrolyo.

Ibig sabihin, kung nasa P1.80 ang taas presyo ng imported na gasolina na papatungan ng P2.24 excise tax, papatak sa P4.04 ang dagdag presyo sa kada litro ng gasolina sa susunod na linggo.

Read more...