Duterte idineklarang National Bible Day ang huling Lunes ng Enero

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang huling Lunes ng Enero kada taon bilang special working holiday na National Bible Day.

Pinirmahan ng Pangulo ang Republic Act 11163 noong December 20, 2018.

Layon ng batas na polisiya ng gobyerno na isulong ang pag-unlad ng “moral character” at “spiritual foundation” ng mga Pilipino.

Ikinunsidera ng batas na ang Pilipinas ang pinakalamalaking Kristiyanong bansa sa Asia-Pacific.

Kinilala rin nito ang halaga ng bibliya bilang pundasyon ng paniniwala ng mga Pilipino Kristiyano.

Read more...