IACT: 800 colurum vehicles huli noong 2018

Photo: DOTr

Mahigit sa walong daang colorum na sasakyan ang nahuli ng Inter Agency Council for Traffic o IACT sa taong 2018.

Batay sa datos ng IACT, mula Enero hanggang Disyembre 2018 ay kabuuang 846 na ang na-apprehend ng ahensya mula sa kanilang mga operasyon.

Mula sa bilang, pinakamaraming nahuli ay mga colorum na van na nasa 426.

Nakahuli din ng IACT ng 36 colorum buses; 14 mini buses; 54 public utility jeepneys o PUJs; 101 na mga taxi; 16 multi-cabs; 152 na mga motorsiklo; 46 tricycles at isang SUV.

Umaasa ang IACT na ang naturang bilang ay bababa na ngayong taong 2019.

Muling paalala nito, ang mga colorum vehicle ay hindi lamang ilegal kundi ikinukunsidera ring hindi ligtas para sa mga pasahero dahil sa kakulangan ng mga sasakyang ito ng “proper regulation.”

Ang IACT ay pinagsanib na pwersa ng mga ahensyang DOTr, PNP-HPG, LTO, LTFRB at MMDA.

 

Read more...