Pansamantalang isinara ang isang simbahan sa San Juan, Batangas matapos itong pagnakawan.
Nagpalabas ng ‘decree’ si Lipa Arhcbishop Gilbert Garcera na nag-aatas ng pansamantalang pagsasara ng San Juan Nepomuceno Parish sa naturang bayan mula ngayong araw Jan. 10 hanggang sa Jan. 17.
Ang sacred host na nasa loob ng Adoration Chapel ng simbahan ang kinuha ng mga kawatan.
Nadiskubre ang pagnanakaw noong umaga ng January 4.
Ang ninakaw na gamit ay sagardo at banal dahil dito inilalagay ang ostya.
Dahil dito, sinabi ni Alcaraz na sinumang mapapatunayang nagnakaw ng nasabing sacred host ay papatawan ng excommunication ng simbahan.
Idineklara din ang Jan. 17 bilang ‘day of fasting and penance’ at sa Jan. 18, isang misa ang idaraos alas 3:00 ng hapon kung saan hinihikayat ang lahat ng mananampalataya na dumalo.