Pagre-regular sa mga manggagawa patingi-tingi lang ayon sa KMU

Naniniwala si KMU Spokesperson Sammy Malunes na gradual lamang ang ginagawa ng mga kumpanya sa pag-regular sa mga Pilipinong manggagawa at marami umanong mga banyagang manggagawa ang pumapasok sa bansa para magtrabaho.

Sinabi ni Malunes na wala talagang konkretong solusyon ang gobyerno para sa mga manggagawang Pilipino upang mabigyan ng Security of Tenure ang mga mahihirap na manggagawa.

Sa panig naman ng IBON Foundation, sinabi ni IBON Foundation President Sonny Africa na lahat ng mga negosyante ay walang mapuntahan at hindi sila kikita sa ibang bansa sakaling kakalas sila at ililipat nila ang kanilang mga negosyo sa ibang bansa.

Paliwanag ni Africa pananakot lamang ng mga Oligarko ang kanilang banta na babagsak ang Ekonomiya ng bansa sakaling magpupull-out sila at lilipat ng ibang negosyo sa ibang bansa dahil hindi mangyayaring bababa ang buwis doon para sa kanilang kapakanan.

Read more...