Basurang nakulekta sa Quirino Grandstand umabot sa pitong truck – MMDA

Kuha ni Ricky Brozas

Umabot sa 5 hanggang 7 truck ng basura ang nakulekta ng MMDA sa Quirino Grandstand.

Ayon sa MMDA, Huwebes ng umaga, umabot na sa hanggang pitong truck ang mga basurang kanilang nahakot sa Quirino Grandstand kaya inaasahang aabot pa ng hanggang 12 truck ang makukulektang basura kapag napuntahan na nila ang lahat ng rutang dinaanan ng traslacion.

Sinabi ni MMDA Spokesperson Celine Pialago, magpapatuloy ngayong maghapon ang clearing operations ng MMDA sa rutang dinaanan ng prusisyon.

Katuwang ng MMDA sa paglilinis ang lokal na pamahalaan at ang DPWH.

Umaasa naman ang MMDA na sa mga susunod na taon, matuto na ang mga tao para maiwasan ang pagdami ng kalat.

Read more...