Ang kaso ay kaugnay sa pagkakasangkot ni Deguito sa $81-million funds na nanakaw ng mga hacker mula sa Bangladesh Bank noong 2016.
Sa desisyon ng Makati Regional Trial Court Branch 149, si Deguito ay hinatulan ng 4 hanggang 7 taon na pagkakabilanggo sa bawat walong bilang ng kasong money laundering.
Ang desisyon ay ibinaba ni Judge cesar Untalan kung saan inaatasan din si Deguito na magbayad ng $109 million.
Si Deguito ay nasangkot sa bank heist noong 2016 matapos lumitaw sa imbestigasyon na ang mga nanakaw na pera sa Bangladesh Bank ay napunta sa Pilipinas.
Ang pera ay naideposito sa foreign currency accoutns sa RCBC, naiconvert sa Peso at naipamahagi sa junket operators at sa mga casino.