Stratehiya sa pagsugpo sa mga sakit na hatid ng lamok target baguhin ng DOH

Target ng Department of Health (DOH) na magpatupad ng pagbabago sa kanilang estratehiya sa pagsugpo ng mga sakit na dala ng lamok.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sumang-ayon si Duque na ang lamok ang pinakamaraming napapatay hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa dahil sa dami ng sakit na maaring maiduloy ng lamok.

Ani Duque, kung tutuusin mas matindi pa at mas marami pang napapatay ang mga lamok kaysa sa Abu Sayyaf.

Marahil ani Duque napapanahon na nga na itaas ang kamalayan ng publiko simula pagkabata pa lamang na ang sakit mula sa lamok ay nakamamatay.

Maliban sa dengue, ang kagat ng lamok ay maari ding magdulot ng malaria, yellow fever, chikungunya virus, zika virus, Japanese encephalitis at iba pa.

Read more...