Paglagda ni Pangulong Duterte sa HIV-AIDS law, ikinatuwa ng DOH

Welcome sa Department of Health (DOH) ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte HIV-AIDS Act bilang isang ganap na batas.

Sa ilalim ng batas, ang gobyerno ay dapat magbuo ng mga programa at polisiya upang magkaroon ng multi-sectoral approach para maiwasan ang paglaganap ng HIV.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na taun-taon, nakapagtatala ng 30 bagong kaso ng HIV-AIDS kada-araw sa bansa.

Pero sa kabila nito, ang Pilipinas pa rin naman ang may pinakamababang bilang ng kaso ng HIV-AIDS sa buong Southeast Asia.

Sinabi ni Duque na hindi maaring balewalain ang HIV-AIDS sa Pilipinas dahil mayroon tayong highest rate ng pagtaas ng bilang ng kaso nitong nagdaang mga taon.

Napapanahon aniya ang pagsasabatas ng HIV-AIDS law upang matugunan ang problema sa sakit.

Sa ilalim ng batas, sinabi ni Duque na wala pa rin namang mandatory testing para sa HIV-AIDS dahil tinutulan ito ng mga mambabatas.

Read more...