Ayon kay Dr. Olivia Favor, medical director ng Novaliches District Hospital, hindi totoo ang mga balitang may outbreak ng nasabing sakit.
Ginawa ang paglilinaw matapos ipatupad ang temporary shutdown sa emergency room ng nasabing ospital bilang bisafety measure matapos dalhin doon ang isang 11 anyos na batang lalaki noong Jan. 4.
Hinihinalang meningococcemia ang sakit ng bata kaya agad itong inilipat sa isang specialized government healthcare facility at inilagay sa isolation room.
Sinabi ni Favor na normal preventive measure ang ginawang shutdown sa emergency room pero hindi naman ito nangangahulugan na may outbreak na ng sakit.
24 oras aniya na isinara ang emergency room para sumailalim sa decontamination upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sakaling totoo nga na may meningococcemia ang bata.
Ang mga pasyente at mga medical staff na nasa ospital noong Jan. 4 ay nabigyan na rin ng preventive treatment.