Umabot sa mahigit 1,600 mga deboto ang naasistihan sa mga istasyon ng Philippine Red Cross sa kasagsagan ng traslacion.
Sa datos ng red cross, sa kabuuan ng traslacion, umabot na sa 1,613 na pasyente ang kanilang naasistihan.
Sa nasabing bilang, 747 ang nagpa-monitor ng kanilang blood pressure, 603 na pasyente naman ang nasugatan, nahirapang huminga, nahilo, hinimatay, nagkapasa, dumugo ang ilong, at nabalian.
Mayroon namang 62 na major cases at apat sa kanila ang isinugod sa ospital.
Mayroon ding 197 na indibidwal ang kinailangang bigyan ng psychosocial support ng red cross.
READ NEXT
“Performer of the Year 2018” sa larangan ng beauty pageants iginawad sa Venezuela; Pilipinas, pumangalawa
MOST READ
LATEST STORIES