Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang bayan ng Governor Generoso sa lalawigan ng Davao Oriental.

Naitala ng Phivolcs ang lindol sa 149 kilometers southeast ng Governor Generoso, alas 6:38 ng umaga ng Huwebes, Jan. 10.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang orogin ng lindol at may lalim itong 28 kilometers.

Ang naturang pagyanig ay aftershock pa rin ng magnitude 7.2 na lindol na tumama sa Governor Generoso kamakailan.

 

Read more...