Ayon sa Manila Water, may isasagawa silang pipe maintenance sa Daang Bakal kanto ng J. Molina Street sa Concepcion Uno sa Marikina City.
Dahil dito, mula alas 10:00 ng gabi mamaya hanggang alas alas 6:00 ng umaga mawawalan ng suplay ng tubig ang sumusunod na mga barangay:
MARIKINA CITY:
– bahagi ng Concepcion Uno
– Parang
– Fortune
SAN MATEO RIZAL:
– Ampid 1
– Banaba
– bahagi ng Guitnang Bayan 1
– Gulod Malaya
– Sto. Nino
– Silangan
Samantala, mayroon namang line interconnection ang Manila Water sa bahagi ng Binangonan, Rizal.
Magreresulta ito ng water service interruption mula alas 9:00 ng gabi mamaya hanggang alas 4:00 ng umaga bukas sa sumusunod na barangay sa Binangonan:
– Pantok
– Darangan
– Mambog
– Macamot
– Tatala