Mahigit 1,200 na deboto, naasistihan ng red cross sa kasagsagan ng traslacion

Red Cross Photo
Umabot sa mahigit 1,000 mga deboto ang naasistihan sa mga istasyon ng Philippine Red Cross sa kasagsagan ng traslacion.

Sa datos ng red cros, as of alas 2:30 ng madaling araw, umabot na sa 1,295 na pasyente ang kanilang naasistihan.

Sa nasabing bilang, 633 ang nagpa-monitor ng kanilang blood pressure, 399 na pasyente naman ang nasugatan, nahirapang huminga, nahilo, hinimatay, nagkapasa, dumugo ang ilong, at nabalian.

Mayroon namang 62 na major cases at apat sa kanila ang isinugod sa ospital.

Mayroon ding 197 na indibidwal ang kinailangang bigyan ng psychosocial support ng red cross.

Read more...