Lalaki patay sa buy-bust sa Laguna

Police banner

Patay ang isang lalaki na hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makipagbarilan sa mga Pulis sa Pagsanjan, Laguna.

Kinilala ang suspek na si Rey Conde, na nasa drugs watchlist ng mga otoridad.

Ikinasa ang buy-bust operation laban kay Conde sa Barangay Pinagsanjan pero ayon kay Senior Supt. Eleazar Mata, director ng Laguna police, nakatunog ang suspek na pulis pala ang katransaksyon niya kaya nagpaputok ito ng baril.

Nakuha sa kaniya ang isang sachet ng hinihinalang shabu, P2,000 na marked money, at isang kalibre. 38 na baril.

Ang suspek ay dati na ring naaresto dahil din sa illegal na droga.

 

Read more...