66% ng mga Pinoy nag-aalala sa kalusugan ni Pangulong Duterte

Mas maraming Pilipino ang nag-aalala sa problema sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-apat na kwarter ng 2018.

Batay sa Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa mula December 16 hanggang 18, 2018, nasa 66 percent ng mga Pinoy ang nag-aalala sa kalusugan ng Pangulo.

Ito ay 11 puntos na mataas sa 55 percent na naitala sa parehong panahon sa September 2018 SWS survey.

Nasa 22 percent ang labis na nag-aalala sa kalusugan ni Duterte habang 44 percent ang medyo nag-aalala.

Sa naturang December 2018 survey, 34 percent ng respondents ang hindi nag-aalala habang 16 percent ang medyo hindi nag-aalala at 18 percent ang walang pag-aalala sa kalusugan ng Pangulo.

Isinagawa ang survey sa 1,440 adults na may edad 18 anyos pataas. Sa naturang bilang, tig 360 ang mula sa Balance Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao.

Ang tanong sa SWS survey ay “Gaano po kayo naniniwala o hindi naniniwala na mayroong problema sa kalusugan si Pangulong Duterte?”

Read more...