P500,000 halaga ng shabu, nasabat sa buy bust operation sa Cebu

Courtesy of Punta Princesa Police / CDN

Tinatayang nasa P500,000 halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa buy bust operation sa Barangay Labangon, Cebu City Miyerkules ng hapon.

Naaresto ng mga operatiba ng drug enforcement unit ng Punta Princesa police si Junnel Paloma, 25 anyos residente ng Barangay Tisa.

May bigat na 76 gramo ang nakuhang hinihinalang shabu mula kay Paloma.

Ayon kay Precinct 10 station commander C/Insp. Keith Allen Andaya, halos isang buwan na nilang minamanmanan ang suspek bago sila magkasa ng operasyon laban dito.

Read more...