Mahigit isang milyong deboto pa rin ang nakikibahagi sa pista ng Itim na Nazareno.
At hanggang sa makabalik ang poon sa Quiapo Church, napakarami pa ring sumasama sa prusisyon habang ang iba ay sa Quiapo Church matiyagang naghihintay.
Sa update ng NCRPO, as of 12:01am ng Huwebes ay nasa 390,000 ang bilang ng mga taong kasama pa rin sa mismong prusisyon.
Ang mga debotong nasa Quiapo Church naman, aabot sa 700,000 ang mga tao.
Dahil dito ay humigit kumulang 1,090,000 ang bilang ng mga debotong patuloy na nakikisa sa pista hanggang ngayong hatinggabi.
Sinabi ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar, na mahigit isang milyong deboto ang nakibahagi sa Traslacion 2019, kasama na rito ang mga nagmula sa Quirino Grandstand.
Mapayapa naman ang Traslacion, batay sa NCRPO. Maliban na lamang sa isang kaso ng debotong nahuli matapos mahulihan ng marijuana.
Samantala, umabot na sa 714 ang nabigyan ng atensyong medikal na karamihan ay nakaranas ng pagKAhilo, pagkabali ng buto at hypertension.