APEC leaders’ meeting nagsimula na sa PICC

APEC-ABAC
Inquirer file photo

Nasa loob na ng Philippine International Convention Center (PICC) ang lahat ng mga economic leaders na kasama sa APEC leaders’ meeting.

Kapuna-puna na lahat ng mga economic leaders na dumating ay may kulay dilaw na pin sa kani-kanilang mga kasuotan.

Pinangunahan ni Executive Secretary Paquito Ochoa ang pagsalubong sa mga bisita.

Sa kanyang welcome speech, inisa-isa ni Pangulong Noynoy Aquino ang mga mga kailangang gawin para mas mapatatag pa ang ugnayan hindi lamang sa foreign relations kundi maging sa larangan ng negosyo sa Asia-Pacific Region.

Unang dumating sa PICC si Canadian Prime Minister Justin Pierre Trudeau samantalang si U.S President Barack Obama naman ay nagpadala na lamang ng kinatawan sa katauhan ni U.S Trade Sec. Michael Froman.

Opisyal na nagsimula ang plenary session ganap na 3:40pm samantalang hindi naman nagbigay ng detalye ang APEC secretariat kung bakit wala sa sesyon si Obama.

 

Read more...