Humingi ng paumanhin sa publiko at sa mga naapektuhan ng haze mula sa kanilang bansa si Indonesian Vice-President Jusuf Kalla.
Sa kanyang pagdalo sa APEC leaders’ meeting, aminado si Kalla na hirap ang kanilang bansa na sugpuin ang malaking forest fire na siyang dahilan ng haze hindi lamang sa Indonesia kundi sa malaking bahagi ng Southeast Asia kasama na ang Pilipinas.
Sinabi ni Kalla na mas lalong pinalala ng nararanasang dry spell ang sitwasyon kung saan ay grabeng naapektuhan din ng makapal na usok ang bahagi ng Singapore at Malaysia.
Kasabay ng kanyang paghingi ng sorry ay ang pasasalamat sa mga bansang tumutulong sa kanila para puksain ang nagaganap na sunog at makontrol ang haze.
Hindi nakadalo sa APEC leaders’ meeting si Indonesian President Joko Widodo dahil sa nasabing environmental problem na kanilang kinakaharap.