Sa kanyang Facebook post ay sinabi ng dating auditor na si Heidi Mendoza na kailanman ay hindi nila gustong manghimasok, mapabagal ang transaksyon at kumita.
Si Mendoza ay undersecretary general na ngayon sa United Nations Office of Internal Oversight Services.
Paliwang ni Mendoza, ang papel ng state auditor ay magbigay ng pagkakataon na maituwid, mapaganda at maayos ang takbo ng paggamit ng pera ng bayan.
Ito anya ay sa paraan na may pananagutan at bukas sa batikos ng publiko.
Pahayag ito ng dating state auditor kasunod ng babala ng Pangulo na kidnapin at i-torture na lang umano ang mga taga-COA dahil hinaharangan daw nila ang trabaho ng pamahalaan.
Samantala, muli namang sinabi ng Malakanyang na nagbibiro lang ang Pangulo sa sinabi nitong pagdukot at pagpapahirap sa mga opisyal ng COA.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nagpapatawa lamang anya si Duterte at sutil anya ang Pangulo na lalong mang-aasar o mang-iinis sa mga kontra sa kanya.