WATCH: Crowd estimate sa mga lumalahok sa traslacion mahigit isang milyon na

Kuha ni Jong Manlapaz

Umabot na sa mahigit isang milyong mga deboto ang nakikilahok sa traslacion ng Itim na Nazareno.

Ayon sa Philippine Red Cross (PRC), alas 10:00 ng umaga, nasa 1,030,000 na ang bilang ng mga deboto.

Ayon naman sa datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO), umabot sa 800,000 ang peak ng bilang ng mga deboto, Miyerkules ng umaga.

Pero ayono kay NCRPO Chief Dir. Guillermo Eleazar hindi pa eksakto at pinal ang nasabing bilang.

Ang iba kasing deboto, hindi na sumama sa traslacion at nagpaiwan na lamang sa Quirino Grandstand.

Marami ring deboto ang nag-aabang sa mga rutang daraanan ng andas at saka na lamang sasama kapag sumapit na doon ang prusisyon.

Read more...